MONTEVISTA, Davao de Oro - Bida sa Diwanag Festival 2018 ang mga sikat na simbahan sa buong mundo.
Ginaya nila mismo ang porma at desenyo ng mga simbahan at nilagyan ng mga makukulay na ilaw upang mas maging maganda.
Dinarayo ito ‘di lamang ng mga taga probinsiya, maging mga ibang residente sa karatig lugar.
We can see here the Cathedral of Cuba that is made of aluminum foil at napuno ng iba’t-ibang Christmas lights. Featuring also the St. Basil Cathedral sa Moscow, Russia na pinalamutian ng charol, aluminum foil at maraming kulay ng rope lights.
We can find also here the St. Louis Cathedral ng New Orleans at ang Mexico Cathedral.
Ilan lamang ang mga ito sa 20 entry sa barangay category.
Nagpatalbugan rin sa kanilang entry ang mga government offices. Ipinakita nila ang simbahan ng St. Gregory the Illuminator ng Armenia, at ang Our Lady of Good Health ng India.
"ito ang nagpapatunay ng pananampalataya ng Filipino kaya churches around the world ang concept," sabi ni Elsa Cantrall, ang municipal tourism officer.
Makikita rin ang iba’t-ibang disenyo ng mga Christmas tree.
Patok rin ang Thousand Roses, Cave of Lights at Tunnel of Lights sa mga mahilig sa selfie.
"Sa tulong ng 20 barangay captain, naging ganito ang itsura ng Diwanag Festival 2018" sabi ni Mayor Topoy Jayectin.
CTTO for this pictures. Thanks to them :)
Comments
Post a Comment